Mapapaunlad ang kakayahan at interes ng mag-aaral para
sa wikang Filipino. Mas makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at
makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking
posibilidad na maipasa niya ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa
isang hindi palabasa. Sa ganitong paraan, mas mahusay ang uri ng pag-aaral o
metodo ng mga estudyante dito sa DCC.
Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo, ang pabasa ay
dumaraan din sa proseso ng pagbabago sa paglipas ng panahaon. Mula sa
tradisyunal na pagkilala sa mga nakalimbag na salita hanggang sa pag-unawa sa
mga ito.
No comments:
Post a Comment